Tinuruan mo kami na maging maawain
Gaya ng ama sa langit,
at sinabi mo sa amin
na kung sinuman ang nakakakita sa iyo
ay nakakakita rin sa kanya.
Ipamalas mo sa amin
ang iyong mukha at kami ay
maliligtas.
Ang iyong mapagmahal na titig
kay Zaqeo at Mateo ay nagpalaya sa pagiging alipin ng salapi;
Ang babaeng nangangalunya at si Magdalena
sa paghahanap ng kaligayahan sa nilikhang bagay, na naging sanhi ng pagtangis ni Pedro matapos ang kanyang pagtatwa,
at tiniyak ang paraiso sa nagsising magnanakaw.
Bayaang marinig namin,
na wari’y sa bawat isa sa amin
ipinahahayag ang mga salitang binigkas mo Sa babaeng Samaritana:
“Kung alam lamang ninyo,
ang ipinagkaloob ng diyos”,
ikaw ang nakikitang mukha
ng di nakikitang ama ng diyos
na nagpapatunay ng kanyang kapayarihang higit sa pagpapatawad at awa; bayaang ang simbahan
ang iyong maging mukhang nakikita sa mundo, ang panginoon nitong nabuhay at pinapupurihan.
Niloob mo ang iyong mga ministro
ay maramtan din sa kahinaan
upang sila man ay makadama ng habag
para sa mga di nakakabatid at nasa sa kamalian;
bayaang ang bawat isang lumalapit sa kanila ay makaramdam na sila ay hinahanap, minamahal at pinatatawad ng diyos.
Ipadala mo ang iyong Espiritu
at italaga ang bawat isa sa amin
sa pamamagitan ng pagpapahid ng Santo Oleo, upang ang Hubileyo ng awa
ay maging isang taon ng biyayang mula sa Panginoon, at sa pamamagitan ng panibagong sigla,
ang iyong simbahan
ay makapaghahatid ng mabuting balita sa mga dukha, magpahayag ng kalayaan
sa mga bilanggo at mga inaapi,
at magpanumbalik ng paningin sa mga bulag.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Maria, ina ng awa, ikaw na nabubuhay at naghahari kasama ng Ama at ng Espiritu Santo magpakaylanman
Amen
Ama naming Mapagmahal
tinawag po Ninyo kami kay Jesu-Kristo
upang maging mga sambayanan
ng mga taong may kaganapan
ng buhay sa sanlibutan,
sumasaksi sa Inyong Paghahari
sa pagsasabuhay ng Misteryo Paskuwal,
sa kapangyarihan ng Espiritu Santo.
Puspusin po Ninyo ng Inyong Banal na Espiritu
ang aming buong Arsidiyosesis
Sa pangunguna ng aming mga Obispo,
kaparian, mga madre at mga laykong
bumubuo ng aming mga parokya at lalawigan
upang makatugon sa Inyong banal na kalooban
at sa aming ipinahayag
na mga pangangailangan.
Pasihan po Ninyo kami ng katatagan ng loob
upang mapagtagumpayan namin
ang anumang magiging hadlang
sa pagsasabuhay ng Aral-Batangueño.
Pagtibayin po Ninyo
ang pagtatalaga ng aming sarili
sa iisang pananaw na aming binabalangkas.
Buksan po Ninyo ang aming kaisipan
sa katotohanang ang Inyong Anak na si Jesus
ang mag-aakay sa amin
sa pagsasabuhay ng Inyong Banal na Salita.
Sa tulong at halimbawa,
panalangin at pangangalaga
ng aming Patrong San Jose
at ng aming Mahal na Inang Maria,
nawa’y manatili po sa amin
ang inyong kaningningang di magmamaliw
sa buong panahon ng aming sama-samang pagsasabuhay ng Aral-Batangueño.
Amen.